Damay Damay

Posted on May 7, 2008
Filed Under kwentong nakakaasar, kwentong tambay | 2 Comments

Medyo naaasar ako ngayon sa mga pangyayari… Well, nahospital ang aking utol dahil hindi makahinga gawa ng nasobrahan sa alak at sa di pa malamang dahilan. Pero ok na siya ngayon. Ang nakakalungkot syempre damay damay na yan, bawal siya uminom bawal isoy syempre ako rin. Pero ewan ko mahirap ata yong ganun. Kapag nasimulan mo parang ang hirap tigilan. hay na lang…

Fuck… yan ang sabi ng aking propesor. As a matter of fuck para nga nyang sinasabi yan. In fuck, humigit sa 20 nong binilang ko. Ewan ko kung bakit ang pagbigkas niya ng fact ay fuck. Kung bakit ay hindi ko alam at wala na akong panahon para alamin pa.

Sa kabilang banda, everytime after ng break eh may mga questions na pampagising, o pampagising nga ba? Isa sa mga tanong ay pano kung nastranded ka sa isang isla, anong dalawang libro ang dadalhin mo? Syempre ang sagot ko ay ang bibliya, oo kahit papano may takot ako sa diyo. Di pala kahit papano, oo may takot ako sa diyos and I want to read the best book na naisulat sa buong daigdig. Syempre yong isa kung ano na lang pumasok sa isip ko. Gusto ko sana sabihin ang Harry potter pero parang boring yon sa isang island. So naisip ko ang tuesdays with morrie para medyo emo. haha. Natutuwa kasi ako don. Naisip ko rin ang five people you meet in heaven kaso naman huli na. Naisip ko kasi, habang binabasa ko yon ay maisip ko yong mga taong naging parte, o naging napakalaking impact na nangyari sa buhay ko. Yong tipong ewan. haha

Damay damay…

Sa school kapag recitation at kapag di naman formal masyado ang recitation madalas kapag wala kang maisagot ay sasabihin mo na lang na “ma’am same lang po ang sagot ko sa kanya” which i think na wala namang mali. Pano nga naman kung same thinking kayo at talaga yon ang gusto mo. Pero minsan nagiging excuse na lang eto. So damay damay na lang.

At bakit nga ba damay damay? Bawat nga ba isang galaw ko ay may damay na ibang galaw? Ang pag-ihi ko ba sa pader ay magcause ng kung ano pa mang disaster? Kapag tumae ba ako ng nakahiga magiging kami ni Maria sharapova? Ay ewan. Basta ang alam ko, damay damay na lang yan…

Damay na ako sa mga pinagbabawal dito sa bahay. Tapos…

Excited kasi masyado

Posted on May 3, 2008
Filed Under kwentong nakakaasar, kwentong nakakatawa | Leave a Comment

Nakakaasar kasi biglang naulan. Tuloy pa kaya ang fireworks sa esplanade MOA? Ngayon kasi ang start ng 3rd World pyrolympics.

Nakakatawa kasi…

haha natatawa ako sa mga maagang nagpunta at excited masyado. Ayan tuloy naulan!!!

Eksena Manila

Posted on May 1, 2008
Filed Under eksena manila, tamang trip | 2 Comments

Mahilig ka bang magyoutube? O kaya naman ay mangtrip? Yaong tamang trip lang ha. Malamang sa malamang ay alam mo na ngayon ang tungkol sa improv everywhere? Ang napakasikat na frozen grand central, o kaya naman ang foodcourt musical, pwede rin ang No pants. Siguro minsan naisip mo na sana meron nito sa Pinas, sa Manila. Kasi gusto mong maiba at gustong magpasaya at sumaya ang mga tao. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, eto na po ang Improv Everywhere Pinoy Style, EKSENA MANILA.

Ano ang Eksena Manila?

Read more

Halo halong eksena

Posted on May 1, 2008
Filed Under kwentong nakakatawa, kwentong nakakatuwa, misadventures | Leave a Comment

Ang lahat ng ito ay nangyari sa loob ng iisang araw lang. Kahapon to actually kaya medyo fresh na fresh pa. hehe

Wednesday morning, Woke up around 7am. Medyo nalate kasi ako ng tulog kaya late rin ang gising ko. EH 8am ang pasok ko, kaya yon sobrang nagmamadali ako. Buti na lang wala akong nakalimutang gawin. Medyo naunahan rin ako sa CR ng mga tao kasi nga flight ng dad ko so ihahatid nila siya.

mga 10 minutes before mag-8am e tumatakbo na ako at hinahabol ang mga dumadaan jeep. Ewan ko kung bakit wala masyadong jeep that time at medyo masikip ang daloy ng trapiko sa may bandang EDSA. Buti na lang nakasakay ako, pero hinabol ko yon jeep.

Nakita ko yong co-trainee ko sa jeep, mas malas pa pala siya kasi more than ten minutes na daw silang nakahinto at naghihintay ng pasahero. SO nauna na ang jeep na kung san ako nakasakay. Pababa na ako pero wala parin yong jeep na sinasakyan niya.

Bago ako dumirecho ng training, kelangan ko muna dumaan sa shell para bumili ng tubig at kendi. Mahal kasi tubig sa loob at walang kendi. Pakshet ang cashier. Ang bagal kumilos at parang walang mga naghihintay na magbabayad. Lumingon ako at nakita ko si co-trainee. Haha nagmamadali kasi late na, ako naman natataranta kasi sa katagalan ng cashier, ayon naunahan na ako ni cotrainee. Halos one minute lang ang pagitan ng log in time namin hehe. Para kasi akong nagwalkathon. Wala ng pakialamanan kapag late. hehe

Pagpasok ko sa room, sinabi sakin ni co-trainee2 na may exam. Scan lang ng notes at exam na agad. Surprisingly e mataas nakuha ko sa exam.

Around 10am binigay na ang aming machine problem for the day. Gagawa ng Online music database na may modules na add, list items, search, edit and delete. Simple lang pero hindi ko natapos. kulang pa ako ng edit and delete functions. Sa kalagitnaan ng pagcode ko, pinuntahan ako ng instructor namin. May kulang raw akong machine problem. Alam ko meron pero isa lang, pero nakalagay don dalawa. So sinabi ko meron ako non, which is true naman actually pati nga yong isa meron din kaso di ko napacheck.

Medyo tahimik ako that day kasi wala si cotrainee3 and cotrainee4, graduation kasi nila. fast forward sa uwian, hinintay ko si cotrainee1 para may kasabay akong umuwi. Ayon ang kaso, natuloy rin siyang sumama sa iba naming katraining from different company so mag-isa rin akong umuwi.

Pero ayos lang yon at mas marami pa akong naexperience.

Hindi ako binaba ng manong sa may babaan, in short ang layo ng binabaan ko.
Nakipagpatintero ako sa kamatayang naghihintay sa EDSA, pero syempre marami akong kasabay.
Yong taong grasa inambahan ako at sinabing “Sige subukan mong dikitan ako”.
Binunggo ako ng nagbibisekleta, pero di sadya nagmamadali kasi lahat ng tumatawid.
Parang nagmamadali lahat ng tao at parang lahat gustong gusto ng umuwi. Pakiramdam ko nga parang may kung ano mang eksena ang nangyayari.

Sawakas around 6:30pm e nasa bahay na ako. Nood konte tapos kain. Dumating na si pareng antok at syempre sinamahan ko na siya sa pagtulog. For the first time since nagtraining ako. ngayon ko lang naranasan muli ang makatulog ng sakto sa oras. Tama lang naman halos 10 hours din yon, kaso nahilo yata ako sa sobrang tulog.

Syempre walang pasok ngayon kaya nakakapagblog ako. Wala rin si papa kasi nasa saudi na siya sa mga panahon ngayon. Wala rin ang utol kong lalake kasi may training sa call center. Yong panganay kong ate may pasok rin. Yong nanay ko kasama ni ate at ng aming pamangkin ay nasa san miguel by the bay.

Naisip ko lang, grabe na ba talaga ang hirap sa Pilipinas na pati ang May one o labor day e pinapatulan na ng mga nagtatrabaho. Na kung sana ay nasa bahay sila at nag-eenjoy kasama ng kanikaniyang mga pamilya at mag-anak. pero wala tayong magagawa, ganun talaga, mageenjoy ka ba kung walang pera?hehe

Ubrey Miles

Posted on April 27, 2008
Filed Under Amazing Race Asia, kwentong nakakatawa | Leave a Comment

Who’s searching for Ubrey Miles. My goodness.

Subscribe

Subscribe feeds feedburner
feedblitz
Enter your Email


Powered by FeedBlitz

Experimental

Recent Comments

Blue Fish Network
Technorati's Philippine Top 100 Blogs
Text Link Ads